Martes, Hulyo 30, 2013

PAGTATALO NA MAY KABULUHAN AT PAGTATALONG WALANG KABULUHAN


SINO ANG MGA PINAGBABAWALAN NI SAN PABLO NA MAKIPAGTALO SA MGA WALANG KABULUHAN NA WALANG MAPAPAKINABANG ANG MGA NAKIKINIG BATAY SA BIBLIA?

Sagot:  Pinagbilinan ni San Pablo ang ministrong si Timoteo na paalalahanan ang mga miembrong mga Cristiano na iwasan nila ang mga pagtatalo na hindi mapapakinabangan bagkus ay ikapapahamak pa ng ibang mga miembro na nakikinig sa dalawang nagtatalo II Timoteo 2:14(KJV).  At lalo na sa mangangaral sa Iglesia ng Dios AMA ay bawal na pumatol sa mga paksang walang kabuluhan at kahangalan lang na nagbubunga lang ng kasamaan II Timoteo 2:15-16,23-26(KJV).  Subalit ang paksa tungkol sa pangalan ng iglesiang totoo, tungkol sa mga doktrina at tungkol sa karapatan ng mangangaral ay hindi maaaring sabihing ito ay mga temang walang kabuluhan?  Lalo't ukol sa AMA at sa ANAK ang paksang pagtatalunan, napakalapastangang pastor at mangangaral na sabihing walang kabuluhang pagdebatehan ang ukol sa Dios AMA at Dios ANAK, ang iglesia, at ang doktrina.  Sapagkat paanong ito ay magiging walang kabuluhan ay doon nakasalalay ang kaligtasan ng tao?  Ang tinukoy na pagtatalong walang kabuluhan ay ang pagtatalo tungkol sa lahi, tungkol sa kautusan ni Moises.  Sapagkat alam na ng mga Cristiano na Evangelio na ang kautusan Ni Cristo at hindi ang kautusan ni Moises Gawa 13:39; Colosas 2:1-6; Galacia 4:9-11(KJV).  Kaya nga ano pa ang mapapakinabang na pagtalunan ang lahi ng Israel at ang lahi ng mga Hentil?  Sapagkat ang mahalaga ay ang may pananampalataya na ngayon Kay Cristo kahit lahi kang Israelita o lahi kang Hentil Galacia 3:27-29(KJV).  Kaya wala ng kabuluhang pagtalunan ng mga Cristiano ang tungkol sa lahi o sa mga kautusan ni Moises Tito 3:9-11(KJV).  Ang mga biling ito ni San Pablo sa mga mangangaral at mga miembro sa Iglesia ng Dios AMA at sa Panginoong Jesucristo I Tesalonica 1:1(KJV) ay ginagamit lang na kublihan ng mga magdarayang mga mangangtaral upang makaiwas na mabuko ang ginagawa nilang pagdaraya sa mga miembro nila.  Sa katotohanan ay sa panahon ng unang Cristiano ay may debadista o tagapagtanggol talaga ng kautusan Ni Cristo Tito 3:13(KJV).  Paanong palilitawin nila na bawal ang debate o pagpapatunayan tungkol sa mga aral ng Dios?  Ay talaga namang Si Cristo ang nagpatunay na maraming lilitaw na mga bulaang mangangaral ngayon Mateo 24:11-12; II Corinto 2:17; 4:2,4; 11:13-15(KJV).
    Bawal lang pagtalunan ang Dios kung kasinungalingan lamang ang sasabihin mo.  Na ginagamit mo lang ang Dios sa panlilinlang mo sa tao Job 13:6-10; 21:34(KJV).  Ang katotohanang Evangelio ay mahalagang paksa na pag-usapan lalo na ang ukol sa ikaliligtas ng tao Roma 1:16; Efeso 1:13-14(KJV).  Kaya nga mga kaaway Ni Cristo ang nagpapawalang kabuluhan na pag-usapan ang kautusan Ni Cristo na dapat sampalatayanan ng tao upang maligtas Lucas 7:30; Mateo 13:54-58(KJV).
- aral mula sa "IGLESIA NG DIOS AMA AT SA PANGINOONG JESUCRISTO
(CHURCH OF GOD THE FATHER AND IN THE LORD JESUS CHRIST")

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento