Martes, Hulyo 30, 2013

PAPAANO PINALALAYAS NG MARAMING TAO ANG DIOS GAYUNG SIYA AY NASA LANGIT?



Sagot:  Sa hindi pakikinig o pagtatakwil sa Kanyang mga sinugong mga mangangaral Lucas 10:16(KJV).  Sapagkat ang mga sinugo Niya ang may dala ng kontrata na may karapatang mag-ugnay ng tao sa Dios upang kilalanin at tanggapin ang kanilang panalangin at lahat ng paglilingkod sa Dios II Corinto 5:19-20(KJV).  Sapagkat walang karapatang mangaral ang hindi sinugo Roma 10:14-15,17(KJV).  Pagkat sinugo lang ang nagtuturo ng tunay na sinalita ng Dios sa tamang kahulugan Juan 3:34(KJV).  Hindi garantisado ang isinugo lang ng isang mangangaral ang sarili niya II Corinto 10:18; I Timoteo 1:7; II Timoteo 3:7(KJV).  Sapagkat sa mga sinugo ng Dios naroroon ang Kanyang tinig Kawikaan 8:4-9(KJV).  Katunayang dinanas ng mga sinugo ang sila ay palayasin at pagbawalang mangaral sa pangalan Ni Cristo I Tesalonica 2:15-16; Gawa 4:16-21(KJV).  Kaya nga ang nagtatakwil sa mga sinugo ay Dios mismo ang itinatakwil Jeremias 29:19; Juan 13:20; I Tesalonica 4:7-8; Mateo 10:40-41(KJV).  Kaya ang tumanggap sa hindi sinugo dahil lang sa kilala at sikat o dakilang tao ay doon lang tatanggap ng ganti at hindi sa Dios.  At ano naman ang ibibigay na ganti sa iyo ng tao ay ikaw pa nga ang hihingan ng abuloy?  Kaya nga bawal ng Dios ang sa  uri ng pagkatao magsasalig ang tao sa pag-anib sa relihiyon Awit 146:3-4; Jeremias 17:5-8(KJV).  Sapagkat lahat ng relihiyon o pangkat na tayo lang ng tao, pati pangalan at ang mga doktrina ay may halong utos-tao ay wala ng kabuluhan ang anomang gagawin nilang pagsamba, pananalangin, at pag-aabuloy Marcos 7:7-9(KJV).  Sapagkat ang utos ng tao ang nagliligaw sa talagang katotohanan ng Dios Tito 1:14,16; Colosas 2:4,8(KJV).
    Sadyang maraming tao ay aayaw na makarinig  ng tunay na aral ng Dios sapagkat maraming hilig ng katawan nila ang mapipigilan Kawikaan 1:24-30(KJV).  At ito ay ginawa sa Dios ng Herusalem na tanging bayang pinili ng Dios na bansang banal na sarili Niyang pag-aari noong una Deuteronomio 14:2; 4:6-8(KJV).  Sa huli sila ay naging mapaghimagsik sa Dios Ezekiel 3:27; Job 33:14; Exodo 16:8; 17:2(KJV).  Mula pa lang sa panahon ng kanilang paglalakbay sa ilang ay lagi na nilang ginagalit ang Dios.  At sa huli ay mismong Anak na ng Dios ang kanilang pinatay.  Kaya naman ipinagpauna Ni Cristo na sa isang bansa na nagbubunga ibibigay ang kaharian ng langit Mateo 21:33-41,43(KJV).
- aral mula sa "IGLESIA NG DIOS AMA AT SA PANGINOONG JESUCRISTO
CHURCH OF GOD THE FATHER AND IN THE LORD JESUS CHRIST"

PAGTATALO NA MAY KABULUHAN AT PAGTATALONG WALANG KABULUHAN


SINO ANG MGA PINAGBABAWALAN NI SAN PABLO NA MAKIPAGTALO SA MGA WALANG KABULUHAN NA WALANG MAPAPAKINABANG ANG MGA NAKIKINIG BATAY SA BIBLIA?

Sagot:  Pinagbilinan ni San Pablo ang ministrong si Timoteo na paalalahanan ang mga miembrong mga Cristiano na iwasan nila ang mga pagtatalo na hindi mapapakinabangan bagkus ay ikapapahamak pa ng ibang mga miembro na nakikinig sa dalawang nagtatalo II Timoteo 2:14(KJV).  At lalo na sa mangangaral sa Iglesia ng Dios AMA ay bawal na pumatol sa mga paksang walang kabuluhan at kahangalan lang na nagbubunga lang ng kasamaan II Timoteo 2:15-16,23-26(KJV).  Subalit ang paksa tungkol sa pangalan ng iglesiang totoo, tungkol sa mga doktrina at tungkol sa karapatan ng mangangaral ay hindi maaaring sabihing ito ay mga temang walang kabuluhan?  Lalo't ukol sa AMA at sa ANAK ang paksang pagtatalunan, napakalapastangang pastor at mangangaral na sabihing walang kabuluhang pagdebatehan ang ukol sa Dios AMA at Dios ANAK, ang iglesia, at ang doktrina.  Sapagkat paanong ito ay magiging walang kabuluhan ay doon nakasalalay ang kaligtasan ng tao?  Ang tinukoy na pagtatalong walang kabuluhan ay ang pagtatalo tungkol sa lahi, tungkol sa kautusan ni Moises.  Sapagkat alam na ng mga Cristiano na Evangelio na ang kautusan Ni Cristo at hindi ang kautusan ni Moises Gawa 13:39; Colosas 2:1-6; Galacia 4:9-11(KJV).  Kaya nga ano pa ang mapapakinabang na pagtalunan ang lahi ng Israel at ang lahi ng mga Hentil?  Sapagkat ang mahalaga ay ang may pananampalataya na ngayon Kay Cristo kahit lahi kang Israelita o lahi kang Hentil Galacia 3:27-29(KJV).  Kaya wala ng kabuluhang pagtalunan ng mga Cristiano ang tungkol sa lahi o sa mga kautusan ni Moises Tito 3:9-11(KJV).  Ang mga biling ito ni San Pablo sa mga mangangaral at mga miembro sa Iglesia ng Dios AMA at sa Panginoong Jesucristo I Tesalonica 1:1(KJV) ay ginagamit lang na kublihan ng mga magdarayang mga mangangtaral upang makaiwas na mabuko ang ginagawa nilang pagdaraya sa mga miembro nila.  Sa katotohanan ay sa panahon ng unang Cristiano ay may debadista o tagapagtanggol talaga ng kautusan Ni Cristo Tito 3:13(KJV).  Paanong palilitawin nila na bawal ang debate o pagpapatunayan tungkol sa mga aral ng Dios?  Ay talaga namang Si Cristo ang nagpatunay na maraming lilitaw na mga bulaang mangangaral ngayon Mateo 24:11-12; II Corinto 2:17; 4:2,4; 11:13-15(KJV).
    Bawal lang pagtalunan ang Dios kung kasinungalingan lamang ang sasabihin mo.  Na ginagamit mo lang ang Dios sa panlilinlang mo sa tao Job 13:6-10; 21:34(KJV).  Ang katotohanang Evangelio ay mahalagang paksa na pag-usapan lalo na ang ukol sa ikaliligtas ng tao Roma 1:16; Efeso 1:13-14(KJV).  Kaya nga mga kaaway Ni Cristo ang nagpapawalang kabuluhan na pag-usapan ang kautusan Ni Cristo na dapat sampalatayanan ng tao upang maligtas Lucas 7:30; Mateo 13:54-58(KJV).
- aral mula sa "IGLESIA NG DIOS AMA AT SA PANGINOONG JESUCRISTO
(CHURCH OF GOD THE FATHER AND IN THE LORD JESUS CHRIST")