Martes, Hulyo 30, 2013

PAPAANO PINALALAYAS NG MARAMING TAO ANG DIOS GAYUNG SIYA AY NASA LANGIT?



Sagot:  Sa hindi pakikinig o pagtatakwil sa Kanyang mga sinugong mga mangangaral Lucas 10:16(KJV).  Sapagkat ang mga sinugo Niya ang may dala ng kontrata na may karapatang mag-ugnay ng tao sa Dios upang kilalanin at tanggapin ang kanilang panalangin at lahat ng paglilingkod sa Dios II Corinto 5:19-20(KJV).  Sapagkat walang karapatang mangaral ang hindi sinugo Roma 10:14-15,17(KJV).  Pagkat sinugo lang ang nagtuturo ng tunay na sinalita ng Dios sa tamang kahulugan Juan 3:34(KJV).  Hindi garantisado ang isinugo lang ng isang mangangaral ang sarili niya II Corinto 10:18; I Timoteo 1:7; II Timoteo 3:7(KJV).  Sapagkat sa mga sinugo ng Dios naroroon ang Kanyang tinig Kawikaan 8:4-9(KJV).  Katunayang dinanas ng mga sinugo ang sila ay palayasin at pagbawalang mangaral sa pangalan Ni Cristo I Tesalonica 2:15-16; Gawa 4:16-21(KJV).  Kaya nga ang nagtatakwil sa mga sinugo ay Dios mismo ang itinatakwil Jeremias 29:19; Juan 13:20; I Tesalonica 4:7-8; Mateo 10:40-41(KJV).  Kaya ang tumanggap sa hindi sinugo dahil lang sa kilala at sikat o dakilang tao ay doon lang tatanggap ng ganti at hindi sa Dios.  At ano naman ang ibibigay na ganti sa iyo ng tao ay ikaw pa nga ang hihingan ng abuloy?  Kaya nga bawal ng Dios ang sa  uri ng pagkatao magsasalig ang tao sa pag-anib sa relihiyon Awit 146:3-4; Jeremias 17:5-8(KJV).  Sapagkat lahat ng relihiyon o pangkat na tayo lang ng tao, pati pangalan at ang mga doktrina ay may halong utos-tao ay wala ng kabuluhan ang anomang gagawin nilang pagsamba, pananalangin, at pag-aabuloy Marcos 7:7-9(KJV).  Sapagkat ang utos ng tao ang nagliligaw sa talagang katotohanan ng Dios Tito 1:14,16; Colosas 2:4,8(KJV).
    Sadyang maraming tao ay aayaw na makarinig  ng tunay na aral ng Dios sapagkat maraming hilig ng katawan nila ang mapipigilan Kawikaan 1:24-30(KJV).  At ito ay ginawa sa Dios ng Herusalem na tanging bayang pinili ng Dios na bansang banal na sarili Niyang pag-aari noong una Deuteronomio 14:2; 4:6-8(KJV).  Sa huli sila ay naging mapaghimagsik sa Dios Ezekiel 3:27; Job 33:14; Exodo 16:8; 17:2(KJV).  Mula pa lang sa panahon ng kanilang paglalakbay sa ilang ay lagi na nilang ginagalit ang Dios.  At sa huli ay mismong Anak na ng Dios ang kanilang pinatay.  Kaya naman ipinagpauna Ni Cristo na sa isang bansa na nagbubunga ibibigay ang kaharian ng langit Mateo 21:33-41,43(KJV).
- aral mula sa "IGLESIA NG DIOS AMA AT SA PANGINOONG JESUCRISTO
CHURCH OF GOD THE FATHER AND IN THE LORD JESUS CHRIST"

PAGTATALO NA MAY KABULUHAN AT PAGTATALONG WALANG KABULUHAN


SINO ANG MGA PINAGBABAWALAN NI SAN PABLO NA MAKIPAGTALO SA MGA WALANG KABULUHAN NA WALANG MAPAPAKINABANG ANG MGA NAKIKINIG BATAY SA BIBLIA?

Sagot:  Pinagbilinan ni San Pablo ang ministrong si Timoteo na paalalahanan ang mga miembrong mga Cristiano na iwasan nila ang mga pagtatalo na hindi mapapakinabangan bagkus ay ikapapahamak pa ng ibang mga miembro na nakikinig sa dalawang nagtatalo II Timoteo 2:14(KJV).  At lalo na sa mangangaral sa Iglesia ng Dios AMA ay bawal na pumatol sa mga paksang walang kabuluhan at kahangalan lang na nagbubunga lang ng kasamaan II Timoteo 2:15-16,23-26(KJV).  Subalit ang paksa tungkol sa pangalan ng iglesiang totoo, tungkol sa mga doktrina at tungkol sa karapatan ng mangangaral ay hindi maaaring sabihing ito ay mga temang walang kabuluhan?  Lalo't ukol sa AMA at sa ANAK ang paksang pagtatalunan, napakalapastangang pastor at mangangaral na sabihing walang kabuluhang pagdebatehan ang ukol sa Dios AMA at Dios ANAK, ang iglesia, at ang doktrina.  Sapagkat paanong ito ay magiging walang kabuluhan ay doon nakasalalay ang kaligtasan ng tao?  Ang tinukoy na pagtatalong walang kabuluhan ay ang pagtatalo tungkol sa lahi, tungkol sa kautusan ni Moises.  Sapagkat alam na ng mga Cristiano na Evangelio na ang kautusan Ni Cristo at hindi ang kautusan ni Moises Gawa 13:39; Colosas 2:1-6; Galacia 4:9-11(KJV).  Kaya nga ano pa ang mapapakinabang na pagtalunan ang lahi ng Israel at ang lahi ng mga Hentil?  Sapagkat ang mahalaga ay ang may pananampalataya na ngayon Kay Cristo kahit lahi kang Israelita o lahi kang Hentil Galacia 3:27-29(KJV).  Kaya wala ng kabuluhang pagtalunan ng mga Cristiano ang tungkol sa lahi o sa mga kautusan ni Moises Tito 3:9-11(KJV).  Ang mga biling ito ni San Pablo sa mga mangangaral at mga miembro sa Iglesia ng Dios AMA at sa Panginoong Jesucristo I Tesalonica 1:1(KJV) ay ginagamit lang na kublihan ng mga magdarayang mga mangangtaral upang makaiwas na mabuko ang ginagawa nilang pagdaraya sa mga miembro nila.  Sa katotohanan ay sa panahon ng unang Cristiano ay may debadista o tagapagtanggol talaga ng kautusan Ni Cristo Tito 3:13(KJV).  Paanong palilitawin nila na bawal ang debate o pagpapatunayan tungkol sa mga aral ng Dios?  Ay talaga namang Si Cristo ang nagpatunay na maraming lilitaw na mga bulaang mangangaral ngayon Mateo 24:11-12; II Corinto 2:17; 4:2,4; 11:13-15(KJV).
    Bawal lang pagtalunan ang Dios kung kasinungalingan lamang ang sasabihin mo.  Na ginagamit mo lang ang Dios sa panlilinlang mo sa tao Job 13:6-10; 21:34(KJV).  Ang katotohanang Evangelio ay mahalagang paksa na pag-usapan lalo na ang ukol sa ikaliligtas ng tao Roma 1:16; Efeso 1:13-14(KJV).  Kaya nga mga kaaway Ni Cristo ang nagpapawalang kabuluhan na pag-usapan ang kautusan Ni Cristo na dapat sampalatayanan ng tao upang maligtas Lucas 7:30; Mateo 13:54-58(KJV).
- aral mula sa "IGLESIA NG DIOS AMA AT SA PANGINOONG JESUCRISTO
(CHURCH OF GOD THE FATHER AND IN THE LORD JESUS CHRIST")

Sabado, Enero 19, 2013

Kailan Nagsimulang Mangaral ang PANGINOONG JESUS Bilang Pagpapasimula ng Kanyang Pagbubuo at Pagtatatag ng Iglesia?

   Mas madali natin itong mauunawaan kung ang una nating aalamin ay kung bakit Si Cristo ay napunta sa ating daigdig at nangaral.  Sa Juan 3:16 ay pinatunayan na dahil sa labis na pagmamahal ng AMA sa mga taong Kanyang nilalang ay isinugo sa lupa ang Kanyang Bugtong na Anak upang ang sumampalataya ay magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan.  Ngayon, ang salita po bang isinugo sa sanlibutan ay nangangahulugan na dito sa daigdig Siya nagsimula na maging Anak ng DIOS AMA o sa langit pa lang ay naroon na Siya na pinababa lang sa lupa?  Si Cristo mismo ang nagpatunay na galing Siya sa AMA, bumaba Siya sa lupa at muli Siyang babalik sa Kanyang AMA Juan 16:27-28.
    Pinatunayan pa rin ng Panginoon na Siya ay binigyan lamang ng AMA ng mga utos na kung ano lamang ang dapat Niyang sabihin o salitain Juan 12:48-50; 7:15-16.  Nilinaw pa rin Ni Cristo na "Siya" ay bumaba sa lupa upang ang gawin ay ang kalooban ng AMA at hindi ang sarili Niyang kalooban Juan 6:38.  Maliwanag na hindi sa lupa Siya naging "Siya" kundi sa langit pa lang ay "Siya" na ang Anak na kapiling ng Kanyang AMA Kawikaan 8:22-30.  At Si Cristo din ang nagpatunay na bago pa lang lalangin ang sanlibutang ito ay tumanggap na "Siya" ng kaluwalhatian at parangal sa AMA Juan 17:5,24 pagkat iniibig na Siya ng AMA bago pa lang itatag ang sanlibutang ito.  Ngayon ang tanong na kailan ay pamanahon.  Nang  mangaral po Si CRISTO ang edad Niya ay 30 taon Lucas 3:21-23 pagkatapos na Siya ay mabautismuhan at makapag-ayunong 40 araw at 40 gabi Lucas 4:13-15.  At para malaman natin kung anong taon ng magsimulang mangaral Si Jesus sa edad Niya na 30 taon, ay dapat nating alamin kung anong taon naman Siya isinilang sa katawang-tao.  Nang isilang po ang Panginoong Jesus ay huling taon na ng paghahari ni Herodes sa Jerusalem, Judea Mateo 2:1-2, ang mag-anak ay pinagtago ng Anghel sa Egipto upang iligtas ang Nino Jesus Mateo 2:13-15 at nagbalik ng mamatay na si Herodes dahil sa sumpa Mateo 2:14-23.  Maliwanag na sanggol pa rin ang Nino Jesus nang sila ay bumalik at sa Nazareth naman ng Galilea manirahan.  At kaya sa sa Galilea sila tumira ay dahil si Arquelao ang pumalit sa ama niyang si Herodes.  Si Herodes ang Dakila ay nagsimulang maghari sa Jerusalem noong 37-4 B.C. samakatuwid ay humalili si Arquelao noong 3 B.C.  Kaya malinaw na noong huling taon ni Herodes isinilang ang Nino Jesus at iyan ay pinatunayan sa Bibliang salin ng Oxford University (ang SRB).  Ngunit sa saling 'Magandang Balita Biblia (M.B.B.), pahina 334 (footnote) ay tinataya nila na 6 B.C. isinilang.  Ngunit kung 6 B.C. ipinanganak ang Nino Jesus, lalabas na noong 3 B.C. ay tatlong taon na ang edad ng Panginoong Jesus at hindi na Siya sanggol sa edad na iyon.  Samantalang nang kausapin ng Anghel sa Ehipto ang mag-asawang Jose at pabalikin sila sa Judea ay sanggol pa rin Si Jesus Mateo 2:19-23.  Kaya mas tama ang salin sa S.R.B. na 4 B.C. nang Siya ay isilang.  Ngayon, kung nang magsimulang mangaral ang Panginoong Jesus ay 30 taon ang Kanyang edad, samakatuwid ay 26 A.D. nang Siya ay magsimulang magbuo ng mga tao (tupa) bilang isang iglesia na ang mga pangunahin dito ay mga apostol, mga propeta, mga guro at mga miembro I Corinto 12:28-30.
- mula sa "Iglesia ng Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo
          (Church of God the Father and in the Lord Jesus Christ)"

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Totoo ba ang Itinuro ng mga INC na ang CRISTO sa Pasimula ay Balak o Panukala Lang ng AMA ?


     Maaaring hindi rin natin marapat na sisihin ng lubusan ang mga kaibigan nating mga ministro ng I.N.C. sapagkat sa pagkakasalin ni P. Juan Trinidad sa "Ang Bagong Tipan ng Ating Mananakop at Panginoong Jesucristo" sa I Pedro 1:20 ay isinalin niya na Si CRISTO ay nasa isip na ng DIOS AMA noon at inihayag lang sa huling panahon.  Ang saling ito ni P. Juan Trinidad ay mapapansin natin na may ipinakilalalang "trinity' sa langit I Juan 5:7 (A.B.T.)
     Ang tatlong nagpapatotoo sa langit ay ang AMA, ang VERBO, at ang ESPIRITU SANTO at ang tatlong ito ay isa lamang.  Kung sang-ayon kay P. Juan Trinidad na ang AMA at ang VERBO ay isang Dios lamang, maliwanag na ang isip ng AMA noon (kasama ang VERBO) ay ang katawang panghandog na ilalaan na sasakyan Niya pagbaba sa lupa Hebreo 10:5-10.  Pagkat siya din ang nagsalin na ang VERBO sa mula't mula pa ay Dios na at kasama na ng AMA na ipinanlikha ng lahat ng mga bagay Juan 1:1-3 (A.B.T.).  Hindi kaya nagkulang lang ng pagsusuri sa iba't ibang salin ng Biblia ang mga kaibigan nating mga ministro ng I.N.C.?  O sadyang ginamit na lang nilang batayan ang pagkasaling ito ni P. Juan Trinidad para mapatibay nila ang kanilang mga miembro na talagang nagsimula lang sa pagiging tao ang CRISTO?  Kung babasahin natin ang paunang salita ng salin niyang ito ay mababasa natin na ito ay hinusay at dinagdagan ni P. Juan M.H. Ledesma.  Ang tanong:  Alin ang dinagdagan at alin ang hinusay?

Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Mga Tanong na Dapat Masagot Kung Talagang may Pagkaunawa sa Biblia?

1. Ilan ang bautismo na pinagdaanan Ni Cristo at anu-ano ito?
2. Saan nabautismuhan ang 12 Apostol at sino ang nagbautismo sa kanila?
3. Kailan tumanggap ng kapangyarihang makapaghimala ang 12 Apostol?
4. Saan unang nangaral at nagbuo ng iglesia ang Panginoon?
5. Saang lalawigan naroroon Si Cristo nang sabihin kay Pedro na itatayo ang iglesia?
6. Anong mga panahon lamang umaahon sa Jerusalem Si Cristo at mga Apostol?
7. Ilan ang babaing nagpahid ng pabango at kumuskos ng buhok sa paa Ni Cristo?
8. Buhat ng umakyat sa langit Si Cristo, kailan Siya unang bumaba sa lupa?
9. Bakit laging pinatutunayan Ni Cristo na sa langit pa lang ay Anak na Siya ng Tao?
10. Ano ang kahulugan na dapat na laging maputi ang suot, literal ba ito?
                  - mula sa "Iglesia ng Dios AMA at sa Panginoong Jesucristo
                                (Church of God the Father and in the Lord Jesus Christ)
                                    (Iglesia de Dios el Padre y al Senor Jesucristo)"