Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Totoo ba ang Itinuro ng mga INC na ang CRISTO sa Pasimula ay Balak o Panukala Lang ng AMA ?


     Maaaring hindi rin natin marapat na sisihin ng lubusan ang mga kaibigan nating mga ministro ng I.N.C. sapagkat sa pagkakasalin ni P. Juan Trinidad sa "Ang Bagong Tipan ng Ating Mananakop at Panginoong Jesucristo" sa I Pedro 1:20 ay isinalin niya na Si CRISTO ay nasa isip na ng DIOS AMA noon at inihayag lang sa huling panahon.  Ang saling ito ni P. Juan Trinidad ay mapapansin natin na may ipinakilalalang "trinity' sa langit I Juan 5:7 (A.B.T.)
     Ang tatlong nagpapatotoo sa langit ay ang AMA, ang VERBO, at ang ESPIRITU SANTO at ang tatlong ito ay isa lamang.  Kung sang-ayon kay P. Juan Trinidad na ang AMA at ang VERBO ay isang Dios lamang, maliwanag na ang isip ng AMA noon (kasama ang VERBO) ay ang katawang panghandog na ilalaan na sasakyan Niya pagbaba sa lupa Hebreo 10:5-10.  Pagkat siya din ang nagsalin na ang VERBO sa mula't mula pa ay Dios na at kasama na ng AMA na ipinanlikha ng lahat ng mga bagay Juan 1:1-3 (A.B.T.).  Hindi kaya nagkulang lang ng pagsusuri sa iba't ibang salin ng Biblia ang mga kaibigan nating mga ministro ng I.N.C.?  O sadyang ginamit na lang nilang batayan ang pagkasaling ito ni P. Juan Trinidad para mapatibay nila ang kanilang mga miembro na talagang nagsimula lang sa pagiging tao ang CRISTO?  Kung babasahin natin ang paunang salita ng salin niyang ito ay mababasa natin na ito ay hinusay at dinagdagan ni P. Juan M.H. Ledesma.  Ang tanong:  Alin ang dinagdagan at alin ang hinusay?

Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Mga Tanong na Dapat Masagot Kung Talagang may Pagkaunawa sa Biblia?

1. Ilan ang bautismo na pinagdaanan Ni Cristo at anu-ano ito?
2. Saan nabautismuhan ang 12 Apostol at sino ang nagbautismo sa kanila?
3. Kailan tumanggap ng kapangyarihang makapaghimala ang 12 Apostol?
4. Saan unang nangaral at nagbuo ng iglesia ang Panginoon?
5. Saang lalawigan naroroon Si Cristo nang sabihin kay Pedro na itatayo ang iglesia?
6. Anong mga panahon lamang umaahon sa Jerusalem Si Cristo at mga Apostol?
7. Ilan ang babaing nagpahid ng pabango at kumuskos ng buhok sa paa Ni Cristo?
8. Buhat ng umakyat sa langit Si Cristo, kailan Siya unang bumaba sa lupa?
9. Bakit laging pinatutunayan Ni Cristo na sa langit pa lang ay Anak na Siya ng Tao?
10. Ano ang kahulugan na dapat na laging maputi ang suot, literal ba ito?
                  - mula sa "Iglesia ng Dios AMA at sa Panginoong Jesucristo
                                (Church of God the Father and in the Lord Jesus Christ)
                                    (Iglesia de Dios el Padre y al Senor Jesucristo)"